Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cedrick Lee nagsalita na, pangrereyp inamin ni Vhong

$
0
0

NAGPA-INTERVIEW na rin sa media si Cedrick Lee, ang isa sa mga nambugbog sa aktor/TV host na si Vhong Navarro.

Ayon kay Cedrick Lee, sa pagitan ng alas-10:30 hanggang alas-11 ng gabi noong Miyerkules, Enero 22 nang dumating sila sa building kung saan mayroong condo unit si Deniece Cornejo sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nasa nasabing gusali sila ng araw na iyon para sunduin si Deniece pero habang papalapit sila sa unit nito ay narinig nila ang sigaw ni Deniece.

Nagkataon namang bukas ang pinto kaya napasok ng grupo ni Lee ang unit ni Deniece.

Ani Lee, pagpasok nila ay nakita nila si Deniece na nagpapalag habang nakakubabaw ang isang lalaki na nakahubad na ng pantalon.

“Ang instinct ko, I grabbed him from the back at hinila ko pababa ng kama. Si Deniece ay tumakbo sa sister ko at inilabas na siya sa condo unit. Naiwan dun sa condo, ako at ‘yung lalaki na di ko pa kilala ay si Vhong,” ani Lee.

Ani Lee, gusto nilang dalhin si Navarro sa police station pero nanlaban ito dahilan para saktan na rin nila.

“Napilitan namin siyang suntukin at naupakan namin siya. Nagkabasag-basag ang mukha niya.”

Ani pa ni Lee, inamin ni Vhong na tangka niyang gahasain si Deniece at humingi pa nga sa kanila ng patawad.

Matatandaan na nauna nang nagpa-interview si Vhong hinggil sa pambubugbog sa kanya at itinanggi na tangka niyang gahasain si Deniece.

Ani Navarro, napagkasunduan nila ni Cornjeo na magkita ng araw na iyon at hindi niya akalain na ise-set-up siya ng kanyang itinuring na kaibigan.

“Papunta ako sa sofa, bigla siyang (Cornejo) lumabas. Pagharap ko palabas na siya, may lumabas na lalaking [may] nakatutok na sa akin na baril,” ani Navarro.

“Tapos lumabas na si Cedric Lee. Una minumukhaan ko siya pero nagpakilala na rin siya sa akin. Ang ginawa niya tinali niya ‘yung kamay ko, tinali niya ‘yung paa ko. ‘Yung ulo ko nilagay nila sa sahig tapos pinagsasapak ako ni Cedric.

“Dalawa pa lang muna sila. Pinagsasapak ako. Tapos po nilalagyan ako ng busal sa bibig. Sabi nila, ‘Huwag ka sisigaw, kapag sumigaw ka papatayin ko pamilya mo, papatayin ko mga anak mo, papatayin kita.’”

The post Cedrick Lee nagsalita na, pangrereyp inamin ni Vhong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129