Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: P1.5M naabo sa sunog sa QC

$
0
0

AABOT sa P1.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang may 15 bahay sa Quezon City kaninang umaga, Enero 28, 2014.

Ayon kay Quezon City District Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, naganap ang sunog alas-11:27 ng umaga nang sumiklab ang apoy mula sa kusina ng bahay ng isang Maritess Baetiong sa San Jose St., Brgy. San Antonio, San Francisdo del Monte (SFDM), QC.

Sinabi sa ulat na umaabot sa 45 pamilya ang nawalan ng bahay sa mahigit isang oras na sunog na naganap.

Nabatid kay Fernandez na maaaring nag– overheat ang rice cooker kung saan sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat sa katabing bahay .

Umabot ang sunog sa ika-limang alarma at ganap na na-fire out alas-12:30 ng tanghali.

Nabatid sa arson investigators ng BFP na naiwanan ng anak ni Maritess na si Jefferson ang rice cooker na naka-on sa kusina na siyang pinagmulan ng sunog.

The post UPDATE: P1.5M naabo sa sunog sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>