Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagong estilo ng paggawa ng droga, ibinunyag ng PDEA

$
0
0

IBINULGAR kanina, Enero 28 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paggamit na ngayon ng ordinaryong gamit sa kusina bilang bagong pamamaraan sa paggawa ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., sa pamamagitan ng blender na gamit sa kusina ay pinaghahalo-halo ng mga drug dealer ang shabu, ecstasy at chinese viagra para makagawa ng panibagong uri ng droga.

Sinabi ni Cacdac na nire-repack at inilalagay sa kapsula mixture ng pinulbos na droga at nakabubuo ng tinatawag na “fly high.”

Ani Cacdac, nakaaalarma ang “fly high” na popular na ngayon sa mga club sa bansa na ang parokyano ay mga mayayamang kabataan.

Magugunitang nito lamang nakalipas na Enero 18, nang kahalintulad na droga ang nasamsam sa isang high-end condominium sa Makati City na ikinaaresto ng isang showbiz writer at isang interior designer.

The post Bagong estilo ng paggawa ng droga, ibinunyag ng PDEA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>