NAGSANIB puwersa na ang AFP at PNP sa pagsasagawa ng law enforcement operations partikular na ang paghahain ng arrest warrant sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters [BIFF] na sinasabing responsable sa kaguluhan sa Maguindanao matapos malagdaan ang normalization annex na bahagi ng Bangsamoro Framework Agreement.
Ang BIFF ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hayagang umaayaw sa Bangsamoro Framework Agreement.
Sa ulat na ipinarating ng Philippine Army sa Malakanyang, bahagi ang MILF ng operasyon upang tiyakin ang kanilang komunidad at mapigilan ang pagpasok ng BIFF elements.
Sa ulat, matapos malagdaan ang annex on normalization ay sinabi ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na hindi nila isasabotahe ang peace process sa kabila ng hindi pagkakaunawaan sa Central Committee ng MILF.
“Government is hopeful that with the support of the citizenry, there will be no serious disruption of the peace process as it moves towards full fruition,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Sa kabilang dako, matapos lagdaan ang annex on normalization ay isusunod na agad ang paglagda sa comprehensive agreement on the Bangsamoro.
“As we have discussed previously, even after the signing of the annexes on transitional arrangements, power-sharing, and wealth-sharing, and now normalization, the members of the commission have started to address the salient points that will be included into the draft bill,” anito.
Sa oras aniya na makumpleto na ang draft bill ay agad itong isusumite kay Pangulong Aquino at pagkatapos ay sa Kongreso.
Kapag inaktuhan naman aniya ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law ay agad na magtatakda ng petsa para sa plebesito para aprubahan ito.
Umaasa naman ang Malakanyang na magaganap ang pag-apruba rito sa taong 2015.
The post AFP, PNP nagsanib puwersa laban sa BIFF appeared first on Remate.