KAKASUHAN na ni freelance model Deniece Cornejo si comedian Vhong Navarro ng panggagahasa bilang sagot sa mga akusasyon nito sa TV.
Matatandaang nabugbog si Navarro ng mga kasamahan ni Cornejo noong Enero 22.
Ayon kay Howard Calleja, abogado nina Cornejo at Cedric Lee – isa sa mga inakusahan ni Navarro, rape case ang dapat nilang isampa sa TV host.
Unang kinasuhan ni Navarro ang apat sa grupong nambugbog sa kanya, kung saan kabilang sina Cornejo, Lee, kapatid nitong si Bernice at isang Ferdinand.
Tumanggi naman si Calleja na idetalye pa ang panibagong akusasyon bilang respeto na rin anya sa kanyang mga kliyente.
Paliwanag ni Calleja, binago ang depinisyon ng rape noong 1997, kung saan hindi kailangang magkaroon ng pagtatalik o penetration.
Simula pa lamang ay sinabi na ni Navarro na walang naganap na sexual intercourse sa kanila.
Giit pa ni Calleja, ang kanyang mga kliyente ang unang lumapit sa Southern Police District (SPD).
Bukod dito, dumaan sila sa public area patunay na wala silang ginawang krimen.
Pabor din sa kanila ang ipinalabas na kopya ng closed camera circuit television (CCTV) footage dahil malinaw na nakitang dumating si Navarro sa condominium ni Cornejo ay wala pang ibang tao.
Gayunman, aminado si Calleja na dehado sila sa media fight dahil mas kilala si Navarro.
Lalaban umano sila sa legal battle dahil alam nilang lalabas din ang katotohanan.
The post Sagot ni Cornejo sa ikinaso ni Vhong, rape case! appeared first on Remate.