UMAKYAT na sa 66 ang namatay kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Agaton.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdag sa listahan sina Antonio Manla, 54, ng Andap, New Bataan; at Eliseo Zamora, 57, ng Barangay Fatima, New Bataan.
Siyam na lamang ang nawawala habang napako na sa 85 ang sugatan.
Abot naman sa P527,115,686 ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura, at may 100,000 katao ang kasalukuyang naninirahan sa 223 evacuation centers.
The post UPDATE: Death toll sa ‘Agaton’ 66 na appeared first on Remate.