Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Helmet shells sa Sulu ibinebenta sa black market

$
0
0

NATIKLO ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Public Safety Company (PNP-PSC) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagnanakaw ng mga endangered helmet shells sa Jolo, Sulu.

Sa report, nasabat noong Sabado, January 25, ang 106 kahong naglalaman ng helmet shells, mga endangered marine species, sa piyer ng mga Chinese sa Sulu.

Ayon kay Sulu PNP Director Senior Supt. Abraham Orbita, kinilala ang may-ari ng mga kahon na si Peralta Pula, 60.

Patungo ito sa Cebu at Maynila.

Ayon sa BFAR, bawat kahon ay may 15-23 piraso ng helmet shells.

Hindi pa alam kung magkano ang halaga ng mga nasabat na lamang-dagat.

Ayon kay Sulu Fishery Officer Maciano Damih, posibleng ibebenta ang mga budyong o helmet shells sa black market para gawing dekorasyon.

Ipinagbabawal ang paghuli sa nasabing lamang-dagat dahil kakaunti na lamang ang bilang nila.

Posibleng makulong ng 12 hanggang 20 taon si Pula bukod pa sa pagbabayarin ng hindi bababa sa P120,000 depende sa dami ng nakuhang budyong.

The post Helmet shells sa Sulu ibinebenta sa black market appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129