KUNG ang National Bureau of Investigation (NBI) ang paghuhusgahin sa sinasabing pangre-rape ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo kaya ito nabugbog ni Cedric Lee at mga kasama ay absuwelto si Vhong.
Ito ay batay na rin sa CCTV na hawak ng ahensiya hinggil sa mga nangyari noong Miyerkules ng gabi, Enero 22 sa condo unit ni Cornejo sa Forbeswood, The Fort, Taguig City.
Ayon sa NBI, kung pagbabasehan ang kuha ng CCTV ay mas nagtutugma ang testimonya ni Navarro kaysa sa testimonya nina Cornejo at Lee.
Ang nasabing CCTV ay inilabas sa media ng NBI ayon na rin sa abiso ni Justice Secretary Leila de Lima.
Ang CCTV footage ay may kuha mula sa gate, lobby at elevator ng Forbeswood condominium.
The post Rape kay Deniece imposible – NBI appeared first on Remate.