Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagong drayber tinangay ang truck, wanted sa amo

$
0
0

SAMPUNG araw pa lamang umanong nag-aplay na tsuper ang isang lalaki, nagawa na nitong tangayin ang minanehong truck na naglalaman ng iba’t ibang kargamento na nagkakahalagang P150,000 galing sa warehouse sa Balut, Tondo, Manila, nitong nakaraan pang Lunes.

Kamakalawa lamang nagreport ang representative ng JDC Cargo sa Honorio Lopez Boulevard, Balut Tondo na si Robert Sy sa tanggapan ng MPD-Anti-Carnapping and Hi-jacking Unit, upang ireklamo ang suspek na nakilalang si Wilven Masalta Y Gilbuena, nasa hustong gulang, may asawa ng Longos, Malabon City.

Base sa salaysay ni Sy kay SPO1 Gerardo Rivera, may hawak ng kaso, nitong nakaraang Lunes, Enero 28, ng ilabas ang Isuzu Close Van na 6th wheeler (PIS-469) na naglalaman ng mga silicon, picture frame at mga bola ng pingpong na aabot sa halagang P150,000.

Nabatid sa report ng pulisya, isang pahinante ng JDC Cargo na si Jerome Quipanes, 23 anyos, may asawa, ng 96 Tonsuya St.,, Malabon City ang umano’y siyang nagpasok bilang drayber sa nasabing kompanya.

Sampung araw pa lamang umano nakapagtatrabaho si Masalta, pero nagawa na nitong tangayin ang minamanehong truck, kaya bumuo na ng isang manhunt operation ang pulisya laban sa nasabing suspek.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>