Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biyuda, kulong sa pagtutulak ng droga

$
0
0

SHOOT sa kulungan ang isang biyuda na umano’y tulak ng shabu at kabilang sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang kasabwat niya ang nasakote sa isang buy-bust operation sa Camarines Sur noong Lunes, January 28, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na sina Joan Masayda, 47 anyos, biyuda, walang hanapbuhay at Jona Dajao, 21, kapwa residente sa Sitio Sagrada Familia, Brgy. Penafrancia,Naga City.

Ayon sa PDEA nakumpiska sa dalawa ang isang medium size sachet ng shabu at P500 na marked money na ginamit sa transaksiyon ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamumuno ni Regional Director Archie Grande.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagalabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26b (Conspiracy to Sell), Article II, of RA 9165, o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, habang detenido sila ngayon sa BJMP Del Rosario, sa Naga City.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>