Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

100 preso pumuga sa Leyte jail dahil sa gutom

$
0
0

WALANG makain o dahil sa matinding kagutuman kaya pumuga ang 100 preso sa Leyte Provincial Jail sa Palo, Leyte matapos ang jailbreak kaninang madaling-araw.

Maaalalang ang bayan ng Palo ay kabilang sa mga lugar na matinding sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Police Regional Office (PRO-8), nabatid na gutom ang tinutukoy na dahilan kaya tumakas ang maraming bilang ng mga preso.

Ilan naman sa mga preso ang agad naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya.

Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging paliwanag ng mga opisyal ng Leyte Provincial Jail hinggil sa insidente .

Noon ding kasagsagan ng bagyong Yolanda, marami ring bilang ng mga preso ang pumuga matapos gumuho ang ilang parte ng pader sa kanilang kulungan.

The post 100 preso pumuga sa Leyte jail dahil sa gutom appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>