Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: Navarro case lumilinaw na

$
0
0

UNTI-UNTI nang lumilinaw ang kasong kinasasangkutan ni TV host Vhong Navarro matapos isa-isang dumating sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kinatawan ng mga personalidad na posibleng magbigay linaw rito.

Sa report, nagpakita na ang abogado ni JP Calma, ang lalaking kasama ng grupo ni Cedric Lee sa elevator.

Tiniyak ng abogado na darating si Calma sa Pebrero 6.

Dumating din sa opisina ang tagapagtanggol ni Soledad Ramos, ang may-ari ng condominium na tinitirhan ni Deniece Cornejo ngunit hindi nito nilinaw kung kailan sisipot si Ramos.

Muli itong pinadalhan ng subpoena ng NBI pati na ang tatlong sekyu ng condominium.

Hinihintay pa ng NBI sina Zhimmer Ran at Jed Hernandez na kasama rin sa grupo ni Lee na sinasabing nambugbog kay Navarro.

Tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang inaalam ng awtoridad.

The post UPDATE: Navarro case lumilinaw na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129