NAKAALERTO na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtama sa kalupaan ng bagyong Basyang na itinaas na sa signal number 2 sa ilang lalawigan.
Ayon kay PCG Spokesman, Commander Armand Balilo, magbibigay na sila ng regular na abiso sa mga maglalayag sa dagat.
Kanila na ring aalamin ang mga lugar na mapanganib lalo na sa mga sasakyang pandagat upang makaiwas sa disgrasya.
Sa sandali namang malapit na ang bagyo ay awtomatikong kakanselahin ng PCG ang lahat ng biyahe ng barko at iba pang sasakyang pandagat.
Una nang pinagbawalang maglayag ang 5 motor banca at 16 RoRo vessel sa Central Visayas ngayong araw.
The post PCG nakaalerto sa bagyong Basyang appeared first on Remate.