Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cellphone ni Vhong, binubusisi na ng NBI

$
0
0

BINUBUSISI na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nilalamang mensahe ng cellphone na ginamit ni TV host/actor Ferdinand “Vhong” Navarro kay Deniece Cornejo bago naganap ang pambubugbog noong Enero 22 sa Taguig City.

Ayon kay NBI-NCR Assistant Director Vicente de Guzman, matutuklasan sa text messages ng dalawa kung may katotohanan na nagkaroon ng palitan ng text messages ang mga ito upang magtagpo sa condominium unit at kung nagkaroon ng imbitasyon.

Nilinaw ni De Guzman na may kakayahan ang NBI na mabatid ang kabuuang palitan ng mensahe ng dalawa kahit pa na nabura na ng aktor ang kanyang text messages batay sa cellphone na ibinigay na nito sa ahensiya.

Napag-alaman na batay sa pahayag ng aktor noong Enero 17 na nangyari ang oral sex ay nagkaroon ng palitan ng mensahe ang dalawa na mistulang naghamunan hanggang sa nagkataon na nangyari muli ang pagtatagpo.

Batay na rin sa naging affidavit ng aktor, matapos ang “oral sex”, nag-text sa kanya si Cornejo na “BAD KA TALAGA” na agad namang ni-replayan ng aktor na nagsasabing “SORRY BABAWI AKO NEXTIME.”

Samantala, ipinasa-subpoena na rin ng NBI si Navarro.

Sa kaugay na balita, hindi pa rin sumisipot sa kabila ng ipinadalang subpoena ang dawit sa pambubugbog kay Vhong na sina Cedric Lee at Cornejo.

Nabatid na ang sumipot lamang sa kampo ni Lee ay si Atty. Arleo Magtibay ng Calleja law office na nagsumite ng kanyang sulat na nagsasabing handang makiisa sa imbestigasyon.

No show rin ang isa sa sinasabing nambugbog sa actor na si JP Palma.

Gayunman, nagpahiwatig itong sisipot sa susunod na linggo.

The post Cellphone ni Vhong, binubusisi na ng NBI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>