Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bebot tigok sa gulpi ng live-in partner

$
0
0

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki nang mapatay sa bugbog ang kanyang kinakasama dahil lamang sa matinding selos na kanilang pinag-awayan sa Siio Lawingan, Lauan, Zamboanga City.

Namatay dahil hindi na kinaya ng biktima na si Susan Kayanong Superales, 38, tubong Maluso Basilan ang grabeng sugat at pasa sa ulo at ibang parte ng katawan na inabot mula sa pambubugbog sa kanya ng live-in partner na si Edward Araneta, 34, ng Sitio Lawingan, Labuan, Zamboanga City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis ng Labuan police station 10, na nag-ugat ang matinding away ng mag-live-in dahil sa mga tsismis sa kanilang mga kapitbahay na may kalaguyo ang biktima.

Alas-2:00 ng madaling-araw nang sinimulang bugbugin ng suspek ang biktima, sinubukan pa nitong humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Pero lalo lang nagalit ang suspek nang dumating ang isang lalaki at tinangkang awatin ang suspek mula sa pambubugbog sa kanyang live-in partner.

Unang dinala sa Labuan Public Hospital ang biktima at inilipat sa Zamboanga City Medical Center dahil sa maselang kalagayan pero idineklara na siyang dead-on-arrival.

The post Bebot tigok sa gulpi ng live-in partner appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>