ISUSUNOD na bayuhin ng bagyong “Basyang’ (international name Kajiki) ang Palawan matapos tumawid sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao nitong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.
Ito na ang pang-walong land fall o pagtama sa lupa ng nasabing bagyo na may maximum sustained winds na 85 kph malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 100 kph, at tinatayang kikilos nang pa-kanluran sa bilis na 33 kph.
Nagbagsak ang bagyong Basyang ng pag-ulan sa mga probinsya na nasa gitna ng Pilipinas, na parehong lugar na sinalanta naman ng lindol at bagyo sa mga nakalipas na buwan.
Ayon sa isang meteorologist, ang bagyo ay inaasahang hihina sa tuwing tatama sa kalupaan, pero mababawi ang lakas kapag muling bumalik sa karagatan.
Mamayang hapon (Pebrero 1), si Basyang ay inaasahang nasa 166 km northeast ng Puerto Princesa City. Sa Linggo naman ng hapon, inaasahan itong nasa 529 km west-northwest ng Puerto Princesa City o sa labas ng Philippine area of responsibility.
Limang beses nang tumama sa kalupaan si Basyang sa ilang lugar sa Mindanao at Visayas simula pa noong Biyernes.
Sinabi ng PAGASA na ang pag-landfall sa Siargao at sa ilang lugar sa Cebu sa Central Visayas ay naitala sa pagitan ng 6 p.m. at sa Biyernes ng hatinggabi.
Tumama ang bagyo sa Siargao ng alas-6 p.m., Padre Burgos, Southern Leyte, 9 p.m., Ubay, Bohol, 10 p.m., San Miguel, Bohol, 11 p.m., Naga City, Cebu ng hatinggabi.
The post VisMin binayo ni Basyang, Palawan isusunod appeared first on Remate.