DALAWA ang patay nang pagbabarilin ng isang guro sa Bani, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na sina Faustino Ginez at Domingo Lopez, pawang ng Barangay Tiep sa nasabing bayan, habang ang suspek ay si Roberto Conde, isang guro, ng nasabi ring lugar.
Nabatid na bago ang pamamaril ay nagkainuman pa ang mga biktima at suspek.
Nang malasing ay nag-amok ang salarin at pinagbabaril ang mga biktima.
Hinala naman ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa krimen nang maikuwento ng guro ang kanyang nawawalang mga kambing at ang itinuturo nitong nagbenta ay ang dalawang napatay.
The post Titser nag-amok, 2 utas sa Pangasinan appeared first on Remate.