PATAY na nang matagpuan ang mag-ina sa loob ng kotse sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Nakita sila sa compartment ng kotse (TQN 896) sa Timothy street, Multinational Village bandang alas-12:00 ng madaling-araw kanina.
Kinilala ang mga biktima na sina Fe Rafael, 54 at Danilo Rafael Jr, 18.
Ayon sa Parañaque City Police, may palo sa ulo ang mag-ina.
Suspek naman ang asawa at tatay ng mga biktima na si Danilo Rafael, Sr., 55.
Ani Police Chief Ariel Andrade, iniwan ng suspek ang kotse sa harap ng bahay ng biyenan nito.
Ipinagtaka ito ng kamag-anak ng mga biktima kaya ininspeksyon ito at tumambad sa kanila ang katawan ng mga biktima.
Kwento pa ng mga kaanak, masyadong seloso ang suspek na hinahanap naman ng awtoridad ngayon.
Pinuntahan ng imbestigador ang bahay ng mga biktima upang alamin kung doon nangyari ang krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.
The post Mag-ina natagpuang patay sa loob ng kotse sa Parañaque appeared first on Remate.