SUMISIGAW ng katarungan ang pamilya ng 8-anyos na babae matapos makitang patay na sa likod ng kanilang paaralan sa bayan ng Manolo Fortich, Bukidnon.
Sa ulat ng awtoriad, ang biktima ay kinilalang si Mai Heart Butigan, mag-aaral ng Manolo Fortich Central School sa lalawigan.
Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Ginang Delqueen Butigan, nagpaalam sa kanya ang anak na bumalik sa loob ng paaralan upang mag-CR subalit umabot na ng ilang oras ay hindi pa rin ito nakababalik.
Dahil dito, nagsimula nang makadama ng pag-alala ang pamilya ng biktima dahilan para kanila na itong hanapin.
Ayon sa Ginang umabot pa sa tatlong araw ang kanilang paghahanap sa biktima at nang makita nila ito sa likurang bahagi ng paaralan ay isa nang bangkay.
Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na ginahasa muna ang walong taong gulang na bata bago pinatay ng hindi pa kikilalang mga suspek.
The post 8-anyos na babae ginahasa, pinatay sa eskuwelahan appeared first on Remate.