SA loob mismo ng sasakyang pinasadahan pinatay ng kilabot na riding-in-tandem ang isang taxi driver sa Quezon City, Sabado ng gabi, Pebrero 1.
Nagtamo ng tama ng bala mula sa kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Bartolome Vitug. 46-anyos.
Blangko naman ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang nasa likod ng pagsalakay at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-11:35 nitong Sabado ng gabi sa Republic Avenue sa Barangay Holy Spirit, Q.C.
Bago ito, pinaparada ng biktima ang kanyang taksi (TWZ-816) sa nasabing lugar nang sumulpot ang may tatlong armadong lalaki na naka-jacket at sumbrero at pinagbabaril ang biktima.
May dalawa pang backup ang naturang riding in tandem at pinasadahan din ang mga naka- pwestong mga tanod
Wala namang ideya sa insidente ang live-in partner ni Vitug na si Lovely Tugade, na tatlong buwang buntis.
Ito na ang ikalawang shooting incident sa nasabing barangay ngayong taon.
The post Taxi driver, tigbak sa riding-in-tandem appeared first on Remate.