Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lumang simbahan pinasabugan, 5 sugatan

$
0
0

LIMANG katao ang nasugatan nang  hagisan ng granada ng riding-in-tandem ang isang lumang simbahan sa Zamboanga City dakong 10 kaninang umaga, Pebrero 2.

Sinabi ni Zamboanga City Police Office (ZCPO) director OIC S/Supt. Angelito Casimiro, na isa sa mga  biktima na nakilalang si Felicitacion Taro, 68-anyos ay nasa kritikal na kondisyon habang minor injury lamang ang tinamo ng kanyang anak na si  Ivan , 7-anyos.

Isinugod naman sa Zamboanga City Medical Center ang tatlong iba pa na hindi nakuha ang mga pangalan.

Sa ulat, naganap ang insidente ala-5 ng madaling araw sa San Isidro Labrador Parish Church sa Barangay Talon-Talon.

Bago ito, nagpupulong ang isang grupo ng mga senior citizen sa nasabing simbahan  nang dumating ang mga suspect at hinagisan ng granada ang kanilang kinatatayuan.

The post Lumang simbahan pinasabugan, 5 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>