Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: Opisyal ng TODA itinumba

$
0
0

TUMIMBUWANG ang isang opisyal ng tricycle operator driver association (TODA) matapos ratratin habang nasa pila ng terminal sa Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City kagabi, Pebrero 4.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Boceneg, 47, ng 1 Block 2 MCP Home Owners Association Pingkian 1, Brgy. Pasong Tamo, QC.

Si Boceneg ay opisyal ng Luzon Tricycle Operator Driver Association (TODA) sa Luzon Avenue, namatay noon din dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay SPO1 Mamerto Gorme ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente sa kahabaan ng Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, QC alas-8:45 kagabi.

Sinabi ni Gorme na kasalukuyang nakaupo sa kanilang terminal sa Luzon Avenue ang biktima nang biglang sumulpot ang nagi-isang suspek saka sunod-sunod na pinagbabaril ang opisyal ng TODA.

Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at nakasuot ng sombrero patungo sa direksyon ng Commonwealth Avenue.

Hinala ng mga pulis na malaki ang kinalaman ng pagiging opisyal ng TODA ng biktima sa motibo ng pamamaslang sa kanya.

The post UPDATE: Opisyal ng TODA itinumba appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>