GINAHASA muna ang 15-anyos na dalagita bago pinatay sa Sorsogon sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Angele Arteta, nakitang patay na sa diversion road, Barangay Bibingcahan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Roderick Diesta, itinuturong nakitang huling nakasama ng biktima.
Ayon sa magulang ng biktima, Biyernes pa nang hindi na nakauwi ng bahay ang kanilang anak.
May nakapagsabi na kasama ni Angele si Diesta bago ito natagpuang patay.
Positibo naman sa mediko legal na ginahasa ang bata bago pinaslang.
The post Dalagita nireyp muna bago pinatay sa Sorsogon appeared first on Remate.