Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Reporter ng GMA-7 at TV5 inaresto ng MPD

$
0
0

KALABOSO ang 47-anyos na nagpakilalang reporter ng dalawang kilalang TV stations matapos ireklamo ng isang ginang na tinangayan ng cash at ilukso pa ang kanyang puri sa Ermita, Maynila.

Hawak na ng MPD-Children and Women’s Protection Unit ang suspek na si Rafael Arnel Reyes ng Everlasting St., BLISS Hulo, Mandaluyong City dahil sa reklamo  ni “Gina” di tunay na pangalan, 34, ng CM Recto Ave., Sta Cruz, Manila .

Sa report, alas-4:45 ng hapon nang naaresto ang suspek malapit sa Malate Church, Malate, Maynila.

Namamasyal mag-isa ang biktima sa Luneta nang lapitan siya ng suspek at nagpakilalang reporter  ng GMA-7 at TV 5 na naka-assign sa Senate.

Nagkapalagayang loob ang dalawa hanggang sa magpakita ng tseke ng  Banco De Oro na nagkakahalga ng P163,000 na may petsang December 27, 2013 hanggang sa tuluyang nabola niya ang biktima at naisama niya ito sa isang hotel sa Pres. Quirino Ave., sa Malate.

Ayon sa biktima, hindi na rin niya lubos maisip kung paano niya nabigay ang halagang P14,000 cash  sa suspek na padala sa kanya ng kanyang mister na nagtatrabaho sa Dubai.

Gayunman, nagduda na ang biktima nang hindi na niya makontak ang suspek  ng araw ding yun  matapos silang maghiwalay hanggang sa natangay na lamang ang kanyang paa sa simbahan ng Malate kung saan mangiyak-ngiyak na nagdasal na makita ulit ang lalaki at maibalik sa kanya ang kanyang pera.

Tila naman tinugon ng Panginoon ang kanyang dasal nang sa paglabas niya ng simbahan ay nakita niya ang suspek habang abala sa pagti-text kaya nilapitan niya ang Security guard na nag-report kay Noel Laso, barangay tanod ng Brgy. 667  Zone 72 , Parola at sa tulong ng iba pang tanod ay inaresto ang suspek saka binitbit sa MPD.

The post Reporter ng GMA-7 at TV5 inaresto ng MPD appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>