GUILTY ang isang Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Talisay City, Cebu dahil sa hindi maipaliwanag na yaman nito sa kasong isinampa ng Office of the Deputy Ombudsman for Visayas.
Napatunayang lumabag sa RA 1379 si Revenue District Officer Nieto A. Racho ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District No. 83, Talisay City, Cebu.
Ayon sa 10 pahinang desisyon ni Cebu City Branch 9 Judge Alexander Acosta ng Regional Trial Court, Branch 9 Cebu City iniutos kay Racho na ibalik sa gobyerno ang may P5,793,881.39 na halaga na nakaw na yaman.
“In case respondent fails to return the amount of P5,793,881.39 to the State, properties of respondent with the value equivalent to said amount shall be forfeited,” nakasaad pa sa desisyon.
Ang kaso ay nag-ugat mula sa reklamo na ipinarating sa himpilan ng DHYP Action Radio at dinala naman sa office of the Ombudsman-Visayas kung saan nagsagawa ang huli ng imbestigasyon at nakakita naman sila ng mga ebidensiya na si Racho ay nagkamal ng di maipaliwanag na yaman na hindi makukuha mula lamang sa kanyang sahod bilang isang opisyal ng gobyerno.
Si Racho ay nagdeklara ng annual salary na P220,093.70 na nakalagay sa kanyang 1998 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at cash sa bangko na P15,000.00 sa kanyang SALN para sa taong 1999.
Gayunman, sinasabi sa tatlong bangko nito na si Racho ay may depositong P5,793,881.39 mula sa kanyang anim na bank accounts noong 1999.
Hindi naman naipaliwanag ni Racho kung saan nagmula ang kanyang mga yaman.
The post BIR official guilty sa di maipaliwanag na yaman appeared first on Remate.