AABOT sa P.6 million halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa dalawang pusher
Sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camarines Norte.
Kinilala ang mga dinakip na sina Mario Daniel, 34, ng Purok 1, Barangay Napilihan, Vinzons, Camarines Norte at Arlan Silvio, 37, ng Purok 4, Barangay Bagong Silang, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa PDEA, nakumpiska sa mga suspek ang may tinatayang 100 gramo ng ilegal na droga matapos madakip ang mga ito.
Sinabi ng PDEA na pumayag ang mga suspek na sina Daniel at Silvio na magbenta ng droga sa isang PDEA undercover agent na umaktong poseur-buyer sa Purok 4, Barangay Bautista Labo, Camarines Norte nitong nakalipas na Pebrero 4, 2014 alas-5:45 ng hapon.
Matapos iabot ang P1,000 marked money bill kapalit ng droga agad dinakip ng PDEA Regional Office 5 Camarines Norte Provincial Office ang mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang may 100 gramo ng shabu, at isang Suzuki Raider motorcycle (4980-EG).
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II ng Republic Act 9165, o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post P.6M shabu nakumpiska sa buy-bust appeared first on Remate.