PANSAMANTALANG ihihinto ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang pangongolekta ng garbage fees para sa mga residente o domestic households.
Ito’y matapos magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) hinggil sa reklamong inilatag ng isang Jose Ferrer Jr., residente ng Kamias Road sa Quezon City, noong nakaraang Enero 17 na naglalayong pahintuin muna ang pangongolekta ng garbage fees.
“SC 3d division issues TRO against QC new garbage fees. Reso not yet out. Ferrer v Bautista,” pahayag ni SC Public Information Office chief at spokesman Thedore Te sa isang text message.
Kabilang sa respondents sa petisyon ni Ferrer ay sina QC Mayor Herbert Bautista, city council, city treasurer at city assessor.
Argumento ni Ferrer na hindi na kailangan pang mangolekta ng hiwalay na garbage fee sa mga residente dahil sa magdudulot lamang ito ng “double taxation.”
Dagdag pa ni Ferrer na ang garbage fee ay nakapaloob na sa city’s revenue collection, na ayon sa kanya ay umabot sa P13.69 bilyon noong 2012.
The post Pangongolekta ng garbage fee sa QC, pinigil appeared first on Remate.