NAGBIGTI ang isang Dutch national nang iwanan ng kanyang nobyang Pinay sa isla ng Boracay.
Sinabi ng Boracay Tourist Police, na may ilang oras nang patay ang biktimang si Gerrit Van Straallen, 63, tubong Netherlands dahil matigas na nang madiskubre ang katawan nito.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima alas-6:45 ng umaga sa loob ng banyo ng English Bakery Apartelle.
Bago ito, sa hindi malamang dahilan, nag-away ang biktima at ang nobya nitong si Liezel Camello, 26, ng Lahug, Cebu kaya bigla itong umuwi sa kanilang probinsya.
May iniwan din itong suicide note para kay Camello at nakasaad kung gaano niya kamahal ito at maging sa kanyang mga anak sa unang asawa.
Naisagawa na rin ang postmortem examination sa bangkay ng biktima na nasa isang funeral home sa isla.
The post Dutch nat’l inabandona ng nobya, nagbigti appeared first on Remate.