TIGOK ang isang kelot na walang suot na helmet matapos sumemplang nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Valenzuela City Huwebes ng madaling-araw, Pebrero 6.
Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Rolando Nillo, 52, ng North Diversion Road, East Bagong Barrio, nasabing lungsod.
Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa MacArthur Highway, Malinta nang mapansin ang biktima na naka-motorsiklo at walang suot na helmet na naging dahilan upang parahin.
Sa halip na huminto ay lalong pinaharurot ng biktima ang dalang motorsiklo kung saan hinabol naman ng mga pulis hanggang sa mawalan ng control ang una at sumalpok sa center island ng kalsada.
Humampas pa ang ulo ng biktima sa bakal na bakod na naging dahilan ng kamatayan.
The post Kelot tigok sa pagtakbo sa checkpoint appeared first on Remate.