Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Palitan ng text messages nina Vhong at Deniece nasa DoJ na

$
0
0

SUMULPOT sa Department of Justice ang actor/TV host na si Vhong Navarro matapos lumabas sa St. Lukes Medical Center kanina.

Personal na pinanumpaan ni Navarro ang kanyang supplemental affidavit sa reklamong isinampa laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at iba pa.

Kasamang dumating ni Navarro sa DoJ ang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga, pinanumpaan nito ang affidavit sa harap ng binuong 3 man panel sa pangunguna ni Asst. State Prosecutor Hazel Valdez.

Nagbigay seguridad kay Navarro ang pulis Quezon City maging ang bomb squad.

Isinumite rin ng kampo ni Navarro sa kagawaran ang palitan nila ng text messages ni Cornejo at ang CCTV screen grab sa condominium unit sa Taguig kung saan naganap ang pambubogbog.

Pinayuhan ng DoJ si Navarro na humarap sa unang preliminary investigation sa kaso sa darating na Pebrero 14.

The post Palitan ng text messages nina Vhong at Deniece nasa DoJ na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129