Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 patay, magkapatid sugatan sa nag-amok sa Antipolo

PATAY ang nag-amok na lalaki makaraang makipagbarilan sa rumespondeng pulisya, habang sugatan naman ang magkapatid sa Antipolo City.

Kinilala ang napatay na si Pablo Bunkargo, habang sugatan naman ang magkapatid na sina Robert at Ramil Pareno.

Nabatid na basta na lang nagwala ang suspek sa hindi nabatid na dahilan at binaril ang magkapatid.

Nang rumesponde ang pulisya ay sila naman ang pinaputukan ng suspek dahilan para gumanti sila at binaril si Bunkargo na kanyang ikinamatay.

The post 1 patay, magkapatid sugatan sa nag-amok sa Antipolo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>