PATAY ang isang magkaibigan nang barilin ng kanilang kaalitan dahil sa nayuping sasakyan sa Cebu nitong Miyerkules.
Kinilala ang suspek na si Filmar, isang negosyante habang ang mga biktima ay sina Joselito Batucan at Bruce Gomez, kapwa ngBarangay Pitogo, Consolacion.
Nabatid na bago ang krimen ay nagkaroon ng alitan ang mga nabanggit nang mayupi ng anak ni Batucan ang isang parte ng sasakyan ni Filmar.
Dahil dito naglabas ng baril ang suspek saka binaril ang dalawa na noon ay nagkukuwentuhan sa labas ng bahay bago tumakas.
The post Magkaibigan utas sa nayuping sasakyan appeared first on Remate.