ISA sa dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-ama sa Brgy. Ibaba Malabon City ang nasa kamay na ng awtoridad matapos isuko ng tiyuhin kagabi sa Caloocan City.
Ang suspek na si Anthony Sarnechiz, 22, ng 323 Julian Felepe ay kusang isinuko sa Caloocan police ng tiyuhin nitong si Randy Sarnechiz habang nagtatago pa rin ang pinsan nitong pangunahing suspek na si Aries Santos.
Agad namang ibinigay ang pangangalaga sa suspek kay Malabon police chief, Sr. Supt. Avelino Abad.
Nabatid na bago pa man sumuko ang nasabing suspek ay hinanting na siya ng pulisya sa kanyang bahay sa Sangandaan, Caloocan.
Matatandaang natagpuang patay ang mag-amang Felizardo Coralde, kawani ng Malabon City hall at ang anak nitong si Albert, 20, sa loob ng kanilang bahay makaraang pasukin at pagnakawan ng mga suspek at gilitan sa leeg.
The post Isa sa gumilit sa mag-ama sa Malabon, sumuko appeared first on Remate.