ROSALES, PANGASINAN – Isang may sakit sa utak ang namatay matapos ma-hit-and-run sa Rosales, nasabing lalawigan.
Kinilala ng Rosales traffic police ang biktima sa pangalang “Leo”, 24, ng nasabing bayan.
Ayon sa report, naglalakad ang biktima sa national road ng bayan ng mahagit ng sasakyan.
Ayon sa mga nakasaksi, inatrasan pa ng sasakyan ang biktima.
Ang biktima ay hindi na umabot nang buhay sa pinakamalapit na hospital habang nagsasagawa ng follow-up investigation ang lokal na police.
The post May sayad utas sa hit-and-run appeared first on Remate.