TUMIMBUWANG ang 41-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng hindi nakikilalang salarin malapit sa kanilang bahay sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 7, 2014.
Kinilala ang biktima na si Danilo Ortega, 41, ng 68 Bato-Bato Street, Brgy. Commonwealth, QC.
Si Ortega ay nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng saksak sa kanyang katawan.
Ayon sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa Sto. Niño Street, Brgy. Holy Spirit, QC alas-12:30 ng madaling-araw.
Sinabi sa ulat na habang nasa naturang lugar ang biktima biglang sumulpot ang suspek at pinagsasaksak ang una sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Narinig pa ng witness na si Jefferson ang paghingi ng saklolo ng biktima kaya dali-daling isinugod ang biktima kasama ng anak nitong lalaki sa ospital subalit binawian din ng buhay ang huli.
The post Kelot binurdahan ng saksak sa QC, todas appeared first on Remate.