ARESTADO ang isang Chinese national na big time illegal drug pusher na matagal nang tinutugis ng International Police (Interpol) sa kasong pagpaslang sa China.
Ayon kay Senior Inspector Joselito De Ocampo hepe ng MPD District Anti Illegal Drugs, ang suspek na si Kai Sin Lin o Tony Pong Ang at gumagamit ng alyas na Jumong ay naaresto sa T. Alonzo St., at CM Recto Avenue, Binondo, Maynila.
Si Lin na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ay matagal nang pinaghahanap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID SOTF) at sa Interpol.
Wala namang inirekomendang piyansa ang piskalya ng Maynila para makalaya ang suspek.
Sinabi pa ni de Ocampo na si Lin ay nakumpirmang isang chemist at kabilang sa grupong gumagawa ng bawal na droga mula pa noong 2002.
Si Kai Sin Lin o Tony Pong Tang, alyas Jumong ay nadakip ng MPD DAID pasado alas-4:00 ng madaling-araw noong Lunes, Pebrero 3.
The post Chinese bigtime illegal pusher arestado appeared first on Remate.