UMABOT sa ika-apat na alarma ang sunog sa isang factory sa Barangay 75, Pasay City.
Sa report, nasunog ang Limkaco Industry na pag-aari ni Gary Lim sa Ignacio St., Park Avenue na nagsimula alas-5:00 ng madaling-araw kanina.
Ang nasabing factory ay pagawaan ng kapote at payong.
Nagdulot ng matinding trapiko ang nasabing sunog na hindi pa alam kung ano ang pinagmulan ng apoy.
The post Sunog sa Pasay nagdulot ng trapiko appeared first on Remate.