WALA dapat sa lansangan ang Florida Transport bus na nawalan ng preno at nahulog sa isang malalim na bangin sa Bontoc, Mt. Province nitong Biyernes ng umaga, ayon sa pahayag kaninang umaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ng LTFRB na ang license number TXT-872 ay inisyu sa isang bus ng Mountain Province Cable Tours na pag-aari ng isang nagngangalang Norberto Cue, Sr..
Sa hindi malamang dahilan, ang plaka para sa nabanggit na bus ay inilipat sa ill-fated Florida bus, ayon sa LTFRB.
Ang pagbagsak ng Florida bus crash at rebelasyon ng “fraud” ay natuklasang may dalawang buwan na ang nakararaan matapos ang malagim na pagbagsak sa Skyway sa Metro Manila ng isang Don Mariano Transit bus na mayroon ding fraudulent identification sa chassis nito na pag-aari ng isa pang bus.
Dahil sa pangyayari, nangako ang LTFRB na maghihigpit na sa pag-aaplay ng mga pampasaherong bus.
Kaugnay naman nito, sinuspinde na ng LTFRB ang mahigit sa 200 bus na pag-aari ng Florida at ang 10 units ng Mountain Province Cable tours, ayon pa sa ulat.
Pinagpapaliwanag din ng ng LTFRB board ang dalawang bus companies kung bakit hindi sila kailangan suspendihin o kanselahin ang kanilang prangkisa, ayon pa sa ulat.
The post Florida bus, no permit, peke ang plaka appeared first on Remate.