Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Day time check point sa MM, ikakasa ng PNP

$
0
0

BUNSOD ng magkakasunod na malalaking krimen na nangyari sa Metro Manila, iniutos ni Philippine National Police (PNP ) Chief Director General Alan Purisima ang pagpapakalat ng checkpoints hindi lamang sa gabi kundi pati na rin sa araw upang madaling mahuli ang mga Kriminal.

Inatasan ni Purisima ang lahat ng Station Commanders sa National Capital Region na matutukan ng mga kapulisan sa mga checkpoint ang iba pang uri ng sasakyan maliban sa mga motorsiklo.

Noong nakalipas na linggo pa, aniya, nila kinukonsidera na maglatag ng checkpoints sa araw upang mahadlangan ang mga krimen na muling maulit sa araw na bumulaga sa Metro Manila ang ilang malalaking krimen .

Gayunman, ikinukonsidera rin ng PNPa ang ilang isyu at reklamo na maaaring idulot ng paglalagay ng checkpoint sa araw sa posibilidad na makaapekto sa daloy ng trapiko lalo sa umaga.

Magugunita na noong Jan 28, sinalakay at nilooban ng armadong grupo ang isang tindahan sa loob ng SM Megamall sa Mandaluyong City kung saan nagpaputok pa ng baril ang mga kriminal para takutin ang mga mall shoppers.

Nasundan pa ito ng pamamaril at pagpatay sa isang negosyante sa San Juan City bago magtanghali noon ding Jan. 28.

Sumunod dito, ang nakawan sa isang money transfer outlet sa Parañaque City, at panloloob sa isang pawnshop sa Valenzuela City.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>