LABIS na dinamdam ng 22-anyos na tricycle driver ang pag-iwan sa kanya ng kinakasama kaya nagawa niyang magpatiwakal sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Juanito Ignas, Jr., ng 3145 Int. 52, Pilar St., Manuguit, Tondo, Maynila.
Sa report, naabutan pa ng inang si Alejandra ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto.
Nabatid na nagkagalit ang biktima at kinakasama nito na naging dahilan upang tapusin na lamang ang kanyang buhay.
Nauna rito, umakyat ang nanay ng biktima sa kuwarto upang kunin ang mga labada nang masorpresa sa ginawa ng anak.
Dahil dito, agad na nagpasaklolo ang ginang at isinugod sa Amisola Maternity Clinic pero idineklarang dead on arrival.
The post Iniwan ng dyowa, trike driver nagbigti appeared first on Remate.