Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 todas, 1,051 sugatan sa Japan snow storm

$
0
0

PITO katao ang namatay habang nasa 1,051 naman ang sugatan dahil sa pinakamatinding snow storm sa Japan.

Ayon sa Japanese public broadcasting service na NHK, karamihan sa naitalang namatay ay dahil sa kinasangkutang motor accidents dulot ng madulas na mga kalsada.

Isa sa mga namatay ang 50-anyos na lalaki matapos dumulas ang sasakyan nito at bumunggo sa isang steel pole.

May taas na 27-sentimetro (cm) o 10.6-inches (in) ang niyebe sa Tokyo nitong Sabado ng hapon, ang naitalang pinakamatinding snow storm sa loob ng 45 taon, ayon sa isang meteorological agency.

Nakaranas na rin ang Sendai City ng 35 cm. o 13.8 inches na pag-niyebe, ang pinakamatinding naranasan nito sa 78 taon.

Mahigit 20,000 kabahayan naman ang nananatiling walang kuryente habang kinansela naman ang 200 domestic flights, Linggo ng umaga.

Bukod pa ito sa 740 kinanselang flights ng Sabado.

May 5,000 namang na-istranded sa Narita Airport dahil sa matinding trapik mula airport patungong Tokyo.

The post 7 todas, 1,051 sugatan sa Japan snow storm appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>