TUSTADO na nang marekober ang katawan ng isang helper matapos maapula ng mga bumbero ang sunog na lumamon sa buo niyang kabahayan sa San Jose, Batangas kagabi, Pebrero 8.
Kinilala ang biktimang si Bernandino Patron, 53, helper at nakatira sa Purok 3, Brgy. Banay banay 1st, San Jose Batangas.
Nabatid na alas-10:45 kagabi nang magsimula ang apoy sa kusina ng bahay ni Patron na mabilis na kumalat at lumamon sa buong kabahayan.
Bandang 11:50 na ng gabi nang tuluyang mapuksa ang apoy ng mga awtoridad at duon na nila natuklasan ang bangkay ng biktima.
Isasailalim naman sa post mortem examination ang katawan nito upang matiyak na walang foul play na naganap sa sunog.
The post Helper tusta sa sunog sa Batangas appeared first on Remate.