Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 drug pusher nalambat sa Taguig City

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki at isang babae na mga notoryus na drug pusher kung saan nakumpiska pa sa kanilang pag-iingat ang may P10,000 halaga ng shabu makaraang tangkain nilang pagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer kahapon sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig police ang mga nadakip na sina Arlene Cruz, 37, ng Rodriguez Compound, Brgy. Sta Ana at Lauro Sindac, 39 ng Vista de Lago Villas, Brgy. Ususan na nadakip pasado alas-4 ng hapon sa harap ng isang convenience store sa Cayetano Avenue, Brgy Ususan.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Elric Valle, tinangkang pagbentahan ng tatlong pakete ng shabu na aabot sa mahigit P9,000 sina SPO1 Napoleon Tiongco at PO1 Jerry Balbin na kapwa nagpanggap na buyer na naganap sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa tapat ng Fines Store.

Ang mga nabatid na naarestong suspek ay pang-anim na drug pushers na naaresto ng mga tauhan ni Amindalan simula lamang sa pagpasok ng buwan ng Pebrero.

Nauna nang nadakip sina Isaganii Savalle, 39, Fernando Griego, 43, Ricardo Oranza 46 at Jonathan Balderama 46 noong nakaraang linggo.

The post 2 drug pusher nalambat sa Taguig City appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>