INIWAN na lang ng hindi pa nakilalang karnaper ang motorsiklong natangay dahil naubusan ng gasolina sa Valenzuela City Lunes ng hapon, Pebrero 10.
Sa ulat, alas-10 noong Linggo ng gabi nang mawala ang Yamaha Nouvo Z ni Jigger Agustin habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Azicate Homes, Gen. T. De Leon na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.
Ala-1 ng hapon, nakita ng pinsan ng biktima na si Richard Fontanillas ang motorsiklo na nakaparada ilang metro lang ang layo sa bahay ni Agustin na naging dahilan upang sabihin sa pinsan.
Nang tingnan ang tangke ay walang gasolina na naging dahilan upang tumirik at iwan na lang ng suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang huli.
The post Motor iniwan ng karnaper na naubusan ng gasolina appeared first on Remate.