BUMAGSAK sa unang araw pa lamang ng inspeksyon ang halos 28 units ng GV Florida Bus, ayon sa pahayag kaninang umaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO).
Sinabi ni Wilfredo Javier ng LTO Motor Vehicle Inspection Center, hindi pumasa ang unang 28 unit ng Florida bus sa kanilang checklist ng road worthiness test.
Sa mga ininspeksyong bus, dalawa rito ang may bitak sa windshield at dalawa rin ang bumagsak sa emission testing.
Paliwanag ng LTO, na hindi rin nila mabibigyan ng road worthiness certificate ang Florida Bus hangga’t hindi nito naisasaayos ang mga sira sa kanilang bus unit tulad ng depektibong brake lights at head lights.
Dumating naman sa LTO kaninang umaga rin ang iba pang mga bus na isasailalim din sa road worthiness test.
The post 28 Florida bus units bagsak sa unang araw ng inspeksyon appeared first on Remate.