TUMIMBUWANG sa pamamaril ang isang Filipino-Chinese trader nang atakihin ng hindi nakilalang armadong lalaki sa loob mismo ng kanyang bahay sa Cagayan de Oro, kaninang umaga, Pebrero 18.
Anim na bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang kumitil sa buhay ng biktimang si Jorge Yu, ng Barangay Carmen, CDO.
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nasa likod at maging kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-7 ng umaga sa mismong garahe ng biktima.
Bago ito, mag-isang naglilinis ng garahe ang biktima nang lapitan ng isang armadong lalaki at saka pinagbabaril bago tumakas.
The post Tsinoy timbuwang sa kalibre 45 appeared first on Remate.