PATAY ang menor-de-edad na magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Purok Kawayanan, Barangay Handumanan, Bacolod City.
Kinilala ang mga biktima na sina Rica, 16, Rex, 7 at Kulot, 3.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagmula ang apoy sa naka-charge na cellphone.
Nabatid na bago ang insidente ay pinatulog ang mga biktima ng kanilang lola saka ikinandado ang bahay.
Narinig pa ang mga biktima na humihingi ng tulong pero hindi na nagawang saklolohan ng matanda dahil maging siya ay sugatan na rin sa insidente.
Bukod sa bahay ng mga biktima, nasunog din ang lima pang mga bahay.
The post Magkakapatid, patay sa sunog sa Bacolod appeared first on Remate.