TADTAD ng taga at saksak sa katawan nang matagpuan ang bangkay ng binata sa kalsada sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Pebrero 18.
Kinilala ang biktima sa alyas na Popo delos Santos ng Cuadra St., nasabing lungsod.
Sa ulat, alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuang duguan ang biktima sa Donato St., na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.
Lumalabas na tadtad ng taga at saksak sa katawan ang kumitil sa buhay ng biktima.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.
The post Binata, patay sa taga at saksak sa Caloocan appeared first on Remate.