Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Japanese dakip sa 51.9 million yen

$
0
0

ISANG pasaherong Japanese ang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang masamsaman ng malaking halaga na hindi idineklara.

Ayon kay Customs District III Collector Edgar Macabeo, dumating sa NAIA noong Martes ng gabi si Yoshiaki Takahashi, 50, negosyante ng Tokyo, lulan ng Japan Airlines flight 745 na may dalang 51.9 milyon yen.

Nabatid na si Takahashi ay lango sa alak nang makumpiskahan ng pera sa lane ni Customs examiner Ninia P. Beltran.

Paliwanag ni Takahashi sa Customs na hindi nito alam na isang mandatory na ideklara ang dalang malaking halaga pagdating sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Takahashi na nagdala ito ng pera sa bansa para magtayo ng negosyo.

Ayon pa kay Macabeo, hindi iligal ang magdala ng malaking halaga ng currency sa Pilipinas kung ito ay idedeklara pagtuntong ng banyaga sa NAIA.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Central Bank Regulations at Philippines Tariff code sa Pasay City Prosecutors Office si Takahashi.

The post Japanese dakip sa 51.9 million yen appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>