NAGBUNGA ang kampanya ng pamahalaan makaraang masabat ang tatlong katao habang iligal na namumutol ng punong Mahogany sa Barangay Dansolihon, Cagayan de Oro City.
Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang tatlong suspek na naaresto ng pulisya na kinilalang sina Marlo Gaspar, 38; Jason Alma, 27 at Randy Talaytay, 22, pawang ng Sitio Langag, Barangay Dansolihon, nabanggit na lungsod.
Inihayag ni City Local Environment and Natural Resources Office (CLENRO) officer Edwin Dael na ang mga suspek ay kakasuhan ng qualified theft at paglabag sa Presidential Decree 708 Section 68 o The Forestry Reform Code of the Philippines dahil sa illegal logging activities na ginawa ng mga ito.
Sinabi ni Dael na umabot sa 20 mahogany trees ang naputol ng mga suspek na may sukat na 60 hanggang 80 sentimetro diametro na mismong nasa lugar pa hanggang sa ngayon.
Inihayag pa nito na inaasahan nilang matatapos ngayong araw ang kanilang pagsampa ng mga kaso laban sa mga suspek.
The post 3 illegal loggers, timbog sa CDO appeared first on Remate.